Great Commission Ministries Church of the Lord Jesus Christ
Angeles City, Philippines (SEC Reg No. A200012394)
Sunday, October 23, 2005
Thursday, October 20, 2005
Great Tribulation then Caught Up
Great Tribulation “ Kapighatian”
Mangyayari ang Great Tribulation o Kapighatian bago Caught up “Aagawin”
Mga senyales bago darating ang kapighatian
Mateo 24:5-7
1.Darating ang bulaang Cristo at ililigaw ang marami
2.Digmaan at alingawngaw ng mga digmaan
3.Bansa laban sa bansa
4.Kaharian laban sa kaharian
5.Magkakagutom
6.Mga lindol sa iba’t ibang dako
Ating basahin ang Mateo 24:8 “Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan… Pasimula pa lamang ng Kapighatian o Great Tribulation
Pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay ibibigay tayo sa Kapighatian. (I Mga Taga Tesalonica 5:4, Mateo 24:9)
Kapag tayo ay nasa kapighatian na, ano ang mangyayari?
Mateo 24:9-14
1.Papatayin ang mga mananampalataya
2.Kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa Pangalan ng Panginoon
3.Maraming mangatitisod
4.Mangagkakanuluhan ang isa’t isa
5.Mangagkakapootan ang isa’t isa
6.Magsisibangon ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami
7.Pagibig ng marami ay lalamig
8.Ipangangaral ang evangelio sa buong sanlibutan
Pansinin ang talatang 13 “Ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas..”
At pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay darating na ang wakas talata 14..Ang ibig sabihin ng talata ay susunod na ang Aagawin o Caught up ( I Taga Mga Tesalonica 4:16-17)
Sa mga araw ng Kapighatian ay may dalawang saksi (Apocalipsis 11:3-5,Apocalipsis 11:6)
1. Moses Exodo 7:19
2. Elijah 2Hari 1:10 , Santiago 5:17
Sila ang dalawang puno ng olibo at ang dalawang kandelero
Bakit dadanas tayo ng Kapighatian o Great Tribulation?
1.Gawa 14:22
2.Apocalipsis 14:12
3.Apocalipsis 3:10
Ito ang mga araw ng pagsubok sa lahat ng naninirahan sa mundo (Apocalipsis 3:10)
Pero hindi dapat magulumihanan ang mga mananampalataya, bakit?
1.Apocalipsis 3:10 “ Ang pagiingat ng Dios ay nasa kanila”
Pagkatapos ng panghuhula ng dalawang saksi, ang anti-Cristo ay lilitaw at mayroon siyang kapangyarihan para magsalita ng pamumusong sa Dios Apocalipsis 13:5-6
TANDAAN: Ang Araw ng Panginoon ay darating pagkatapos mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan. 2 Tesalonica 2:1-4
Mga pangyayari pagkatapos ng Kapighatian o Great Tribulation
Mateo 24:29-31 “Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon”
1.Magdidilim ang araw
2.Ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag
3Mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit
4.Magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit
5.Lilitaw ang tanda ng anak ng tao sa langit 6.Magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa
7.Mangakikita nila ang anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian
8.Susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak (Kapag Tumunog na ang huling pakakak o trumpet, mangyayari na ang Aagawin o Caught up..I Tesalonica 4:16-17)
9. titipunin nila ang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.
DITO MANGYAYARI ANG AAGAWIN O Caught up I Mga Taga Tesalonica 4:16-17
Habang bumababa sa mga alapaap ang Panginoong JesuCristo may isang sigaw at tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios at ang mga nangamatay kay Cristo ay mangabubuhay na maguli na kasamang aagawin at ang mga nangatira..Mangyayari na dito ang Aagawin o Caught up at tayo’y babaguhin sa isang kisap-mata lamang. ITaga Mga Corinto 15:52, I Taga Mga Tesalonica 4:16-17, Mateo 24:30-32..at mawawasak si satanas 2 Mga Taga Tesalonica 2:7-8
TANDAAN: Bago darating ang Panginoon ay dapat tayong bihisan sa kisap-mata lamang I Corinto 15:50-52
PANSININ: HULING PAKAKAK O LAST TRUMPET(Apocalipsis 10:7, I Tesalonica 4:16-17, I Corinto 15:52,Mateo 24:30-32..Pagtunog ng huling pakakak ng Dios mangyayari na ang pagdating ng Panginoong JesuCristo at ang Aagawin o Caught up
Caught Up “ Aagawin”
“Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit,na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man..I Mga taga Tesalonica 4:16-17
Bago tayo aagawin ano ang mangyayari?
Nasusulat sa I Mga Taga Corinto 15:52 “Sa isang sandali, sa isang kisap –mata , sa huling pagtunog ng pakakak: Sapagkat tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin”
Bago mangyayari ang Caught up o Aagawin, ay kinakailangan tayong mabihisan ng walang kasiraan. Ang ating katawang nabubulok sa hindi nabubulok.
Bakit kinakailangan tayong mabihisan ng walang kasiraan?
Nasusulat sa I Mga Taga Corinto 15:50 “Sinasabi ko nga ito, mga kapatid ,na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan..”
Kinakailangang itong kasiraan ay mabihis ng walang kasiraan at itong may kamatayan sa walang kamatayan.talata 53..kasi kung hindi tayo mabibihisan sa KISAP –MATA, hindi tayo puedeng pumasok sa kaharian ng Dios, sapagkat ang laman at dugo ay hindi puedeng magmana ng kaharian ng Dios.
Kailan mangyayari ang Caught up o Aagawin?
Nasusulat sa I Mga Taga Tesalonica 4:16-17” na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang mga nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli..
Bago mangyayari ang Caught up o Aagawin ay magkakaroon ng Sigaw , tinig ng arkanghel at pakakak ng Dios.(Apocalipsis 11:15) at ang mga nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli..pagkatapos ng mga pangyayaring ito sa Kisap-Mata tayo’y bibihisan o babaguhin at mangyayari na ang Caught Up o Aagawin..
Pansinin:
Apocalipsis 11:15 “ Ang ikapitong anghel” humihip ng pakakak..”LAST TRUMPET” Apocalipsis 10:7 Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya’y humihip, kung magkagayo’y ganap na ang hiwaga ng Dios.. Kung magkaganoon ang mga nagsasabing “Magkakaroon ng Caught up bago Great Tribulation” ay malaking pagkakamali ! sapagkat dapat munang mangyari ang Great Tribulation bago Caught up o Aagawin..
Pansinin: Mangyayari ang Caught up sa Huling pagtunog ng Pakakak
1.I Mga taga Tesalonica 4:16-17
2.I Mga Taga Corinto 15:52
3.Mateo 24:30-31
Pansinin:
I Mga Taga Tesalonica 4:16-17 “Ang mga nangamatay kay Cristo ay mangabubuhay maguli”.Sila ang mga naglingkod at sumunod sa ebanghelyo ng Panginoong Hesu-Cristo, at sila ang unang bubuhayin bago Rapture o Aagawin. At ito ang unang pagkabuhay na maguli Apocalipsis 20:5..mapapansin natin na ang mga hindi sumunod at nangamatay kay Cristo ay hindi muna bubuhayin, sila’y muling bubuhayin pagkalipas ng isang libong taon..kaya mapalad ang mga sumusunod at nangamatay sa pamamagitan ng ebanghelyo ng Panginoon sapagkat sila’y maliligtas..PAGPALAIN KAYO NG DIOS!!!
Paalala: Manalangin at hingin ang karunungang nagmumula sa Dios sa pamamagitan ng kanyang Espiritu Santo bago basahin..
Tuesday, October 18, 2005
Teachings "AKO'Y SI AKO NGA"
AKO'Y SI AKO NGA by Apostle Oliver C. Aguilar
Sa lumang tipan ay nasusulat sa Exodo 3:13-14 “At sinabi ni Moises sa Dios, Narito pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang;at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? Anong sasabihin ko sa kanila?
.14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.
Ating pagaralan ang talatang ito. Sa pagkakataong ito nagtanong si Moises kung anong pangalan ang kaniyang sasabihin sa mga anak ni Israel..Kung ating munang papansinin, ang Dios ay may isang pangalan lamang (Zacharias 14:9 “Ang Panginoon ay isa , at ang kaniyang pangalan ay isa” ) at ang kaniyang pangalan ay hindi pa nahayag sa lumang tipan ( Isaias 52:6 “Kaya’t makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya’t matatalastas nila sa araw na yaon, na ako YAONG nagsasalita; narito, ako nga”..subalit sa pagkakataong ito, noong nagtanong si Moises sa Dios kung ano ang kaniyang pangalang sasabihin sa mga anak ni Israel tumugon ang Dios at nagsabi “ AKO YAONG AKO NGA”.. Hindi pangalan ang binanggit ng Dios dito , kaniyang pinahihiwatig na ang kaniyang pangalan ay mahahayag sa bagong tipan.
SINO SI “AKO NGA?”
Maraming mga mangangaral ngayon, na hindi nila kilala si AKO NGA.. May nagsasabing ang Ama , Anak at Espiritu Santo ay tatlo! Minsan may mga nagtuturo na ang Dios ay may tatlong persona..Kaya naman hangga ngayon hindi nila nakikilala si AKO NGA..
Nasusulat sa Juan 8:24 “ Kaya sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang “Ako’y si AKO NGA’.”..Sa talatang ito maliwanag na sinabi ng ating Panginoong JesuCristo na siya si AKO NGA..Sa makatuwid, ang Dios na nagutos kay Moises upang magsalita sa mga anak ni Israel ay mismo ang Panginoong JesuCristo!!
GAANO KAHALAGA NA MALAMAN MO SI AKO NGA?
Kung ating babasahin muli ang Juan 8:24 ““ Kaya sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang “Ako’y si AKO NGA’.”
Mahalaga na ating malaman na si JesuCristo si AKO NGA..Dahil kapag hindi tayo naniwala na si JesuCristo ay si AKO NGA (Sa makatuwid siya mismo ang Ama..Juan 10:30, Juan 14:6-11) Mamamatay tayo sa ating mga kasalanan!! Kaya napakahalagang malaman natin at tanggapin na si JesuCristo ay si AKO NGA upang hindi tayo mamamatay sa ating mga kasalanan..Kaniya ding sinabi sa Juan 8:28 “ Kaya’t sinabi ni Jesus, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao, malalaman ninyong "Ako’y si AKO NGA.”
Sa ating mga nabasa at napagaralan, maliwanag na sinasabi na mismo ang Ama ay nagkatawang tao.I Tim 3:16”Siya’y nahayag ng maging tao”..At ang Ama mismo ay ang Cristo na darating at magliligtas sa atin.Isaias 35:4-6 “Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang matakot, laksan mo ang iyong loob, Darating na ang Panginoong Dios, (Cristo) at ililigtas ka sa mga kaaway.”Ang mga bulag ay makakikita, At makaririnig ang mga bingi; Katulad ng usa, ang pilay ay lulundag, Aawit sa galak ang mga pipi.Mula sa gubat ay bubukal ang tubig at ang mga batis ay dadaloy sa ilang;
Sa Isaias 35:4-6 ay nanghula si propeta Isaias na darating ang ating Panginoong Dios at ililigtas tayo..Sa makatuwid ay ang Cristo ay darating ( Cristo ay nangangahulugang “Tagapagligtas”)
At ito’y natupad sa Mateo 11:2-5 “ Nabalitaan ni Juan Bautista, na nooy nasa bilangguan, ang mga ginagawa ni Cristo.Kaya’t nagsugo si Juan ng kaniyang mga alagad. At ipinatanong sa kaniya, “Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?” . Sumagot si Jesus “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kaniya ang inyong narinig at nakita: Nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita…Sa makatuwid , yung Dios na darating na sinabi ni Propeta Isaias ay mismo ang ating Panginoong JesuCristo!! Purihin ang Dios!!
Lagi nating tatandaan na si JesuCristo ay si AKO NGA (“SIYA ANG AMA”.Isaias 9:6).At ang pangalan ng Dios ay nahayag sa bagong tipan(Isaias 52:6), at ang kaniyang pangalan ay JESUS..(Lukas 1:31, Gawa 4:12)..At kung hindi tayo maniniwala na si Jesus din ang Ama (AKO NGA) mamamatay tayo sa ating mga kasalanan..Nawa, Magingat kayo upang hindi mabihag ninoman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at magdarayang aral at hindi nasasalig kay Cristo kundi sa sabi-sabi ng matatanda at sa mga tuntunin ng sanlibutan..Colosas 2:8