Tuesday, October 18, 2005

Teachings "AKO'Y SI AKO NGA"

AKO'Y SI AKO NGA by Apostle Oliver C. Aguilar

Sa lumang tipan ay nasusulat sa Exodo 3:13-14 “At sinabi ni Moises sa Dios, Narito pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang;at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? Anong sasabihin ko sa kanila?
.14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.

Ating pagaralan ang talatang ito. Sa pagkakataong ito nagtanong si Moises kung anong pangalan ang kaniyang sasabihin sa mga anak ni Israel..Kung ating munang papansinin, ang Dios ay may isang pangalan lamang (Zacharias 14:9 “Ang Panginoon ay isa , at ang kaniyang pangalan ay isa” ) at ang kaniyang pangalan ay hindi pa nahayag sa lumang tipan ( Isaias 52:6 “Kaya’t makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya’t matatalastas nila sa araw na yaon, na ako YAONG nagsasalita; narito, ako nga”..subalit sa pagkakataong ito, noong nagtanong si Moises sa Dios kung ano ang kaniyang pangalang sasabihin sa mga anak ni Israel tumugon ang Dios at nagsabi “ AKO YAONG AKO NGA”.. Hindi pangalan ang binanggit ng Dios dito , kaniyang pinahihiwatig na ang kaniyang pangalan ay mahahayag sa bagong tipan.

SINO SI “AKO NGA?”

Maraming mga mangangaral ngayon, na hindi nila kilala si AKO NGA.. May nagsasabing ang Ama , Anak at Espiritu Santo ay tatlo! Minsan may mga nagtuturo na ang Dios ay may tatlong persona..Kaya naman hangga ngayon hindi nila nakikilala si AKO NGA..

Nasusulat sa Juan 8:24 “ Kaya sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang “Ako’y si AKO NGA’.”..Sa talatang ito maliwanag na sinabi ng ating Panginoong JesuCristo na siya si AKO NGA..Sa makatuwid, ang Dios na nagutos kay Moises upang magsalita sa mga anak ni Israel ay mismo ang Panginoong JesuCristo!!


GAANO KAHALAGA NA MALAMAN MO SI AKO NGA?

Kung ating babasahin muli ang Juan 8:24 ““ Kaya sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang “Ako’y si AKO NGA’.”
Mahalaga na ating malaman na si JesuCristo si AKO NGA..Dahil kapag hindi tayo naniwala na si JesuCristo ay si AKO NGA (Sa makatuwid siya mismo ang Ama..Juan 10:30, Juan 14:6-11) Mamamatay tayo sa ating mga kasalanan!! Kaya napakahalagang malaman natin at tanggapin na si JesuCristo ay si AKO NGA upang hindi tayo mamamatay sa ating mga kasalanan..Kaniya ding sinabi sa Juan 8:28 “ Kaya’t sinabi ni Jesus, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao, malalaman ninyong "Ako’y si AKO NGA.”

Sa ating mga nabasa at napagaralan, maliwanag na sinasabi na mismo ang Ama ay nagkatawang tao.I Tim 3:16”Siya’y nahayag ng maging tao”..At ang Ama mismo ay ang Cristo na darating at magliligtas sa atin.Isaias 35:4-6 “Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang matakot, laksan mo ang iyong loob, Darating na ang Panginoong Dios, (Cristo) at ililigtas ka sa mga kaaway.”Ang mga bulag ay makakikita, At makaririnig ang mga bingi; Katulad ng usa, ang pilay ay lulundag, Aawit sa galak ang mga pipi.Mula sa gubat ay bubukal ang tubig at ang mga batis ay dadaloy sa ilang;

Sa Isaias 35:4-6 ay nanghula si propeta Isaias na darating ang ating Panginoong Dios at ililigtas tayo..Sa makatuwid ay ang Cristo ay darating ( Cristo ay nangangahulugang “Tagapagligtas”)
At ito’y natupad sa Mateo 11:2-5 “ Nabalitaan ni Juan Bautista, na nooy nasa bilangguan, ang mga ginagawa ni Cristo.Kaya’t nagsugo si Juan ng kaniyang mga alagad. At ipinatanong sa kaniya, “Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?” . Sumagot si Jesus “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kaniya ang inyong narinig at nakita: Nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita…Sa makatuwid , yung Dios na darating na sinabi ni Propeta Isaias ay mismo ang ating Panginoong JesuCristo!! Purihin ang Dios!!

Lagi nating tatandaan na si JesuCristo ay si AKO NGA (“SIYA ANG AMA”.Isaias 9:6).At ang pangalan ng Dios ay nahayag sa bagong tipan(Isaias 52:6), at ang kaniyang pangalan ay JESUS..(Lukas 1:31, Gawa 4:12)..At kung hindi tayo maniniwala na si Jesus din ang Ama (AKO NGA) mamamatay tayo sa ating mga kasalanan..Nawa, Magingat kayo upang hindi mabihag ninoman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at magdarayang aral at hindi nasasalig kay Cristo kundi sa sabi-sabi ng matatanda at sa mga tuntunin ng sanlibutan..Colosas 2:8

0 Comments:

Post a Comment

<< Home